2.9 indibiduwal, arestado ng NBI sa pagbebenta ng shopee pay at pay Maya accounts na may kasamang registered sim cards

By: Baby Cuevas

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) Ang dalawang indibiduwal na nagbebenta ng shopee pay at Pay Maya accounts na may kasamang sim cards sa isinagawang entrapment operation,kamakailan sa Las Piñas at Bacoor, Cavite.

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 8484 (Access Devices Regulation Act of 2012) at R.A. 11934 (SIM Registration Act) in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012 ,Ang mga suspek na sina Lyra#spiritu at Jonarcel Manalo sa magkahiwalay na operasyon.


Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon ibinigay sa NBI na may Facebook accounts Ang nagbebenta ng Shopee Pay accounts at Paymaya accounts na may Kasama nang rehistradong sim cards na ginagamit sa iligal na aktibidad gaya ng on line scams.

Nagawa umano ng isang undercover agents ng NBI na makipagtransaksiyon sa naturang Facebook account at naka order ng 50 shopee pay accounts sa halagang P800 kay Espiritu habang 30 Naman Pay Maya kay Torres sa halagang P600 kada isa .

Noong Hunyo 1,2023 ay sinampahan ng kaso sa Las Piñas at Bacoor Prosecutors Office, ang mga suspek.


Tags: National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD)

You May Also Like