TINATAYANG nasa mahigit P17- milyong ng hinihinalang imported shabu ang nasabat sa isinagawang joint Controlled Delivery Operation sa pangunguna ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa harap ng Cuneta Astrodome, Roxas Blvd. Service Road, Brgy. 76 , Pasay City
Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nasa 2.5 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride (shabu) ang nasamsam ng pinagsanib na pwersa sa pangunguna ng PDEA Region III—Pampanga Provincial Office, PDEA RO IV-A,PDEA Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, BOC Port of Clark, PDEA RO IV-A RSET 1&2, at SDEU Pasay City Police Station.
Sa kabuuan, umabot sa P17.25 milyong ang halaga ng hinihinalang droga mula Estados Unidos na nasabat mula sa isang lalaking consignee, na kinilalang si Angel Paul Larimer Felismenia; aka ‘Rocky Reyes Marasigan,24 taong gulang at residente ng 2464 M. Dela Cruz St. Pasay City.
Ayon sa mga awtoridad, July 5, isang package na naglalaman umano ng mga illegal substance ang dumating sa Port of Clark mula sa Rockville, United States, kung saan nakadeklara itong mga non-perishable chocolates, coffee and sweets subalit sa ginawang scientific examination sa kontrabando ay nadiskubreng iligal na drog ito kaya ikinasa controlled delivery operation sa pangunguna ng PDEA .
Narekober sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng MOL 2.5 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride (Shabu) 2 piraso ID, at 1 unit ng cellphone na ginagamit sa kanyang mga parokyano
Inihahanda na nina Agent Michael Villanueva, at Agent Daniel Discaya, ang pagsasampa ng kasong paglabag sa republic act 9165, comprehensive dangerous drug act of 2002, Section 4 or importation of dangerous drugs. (VICTOR BALDEMOR)