Mahigit sa 1,000 pulis Maynila ang gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election(BSKE) sa pagsisimula ng election period sa Agosto 28 hanggang sa Nobyembre 30.
Ayon kay P/Major Philipp Ines,hepe ng Public Information Office, magsisimula ang send off sa mga tauhan ng MPD itatalaga sa halalan sa Agosto 26 ng alas 9 ng umaga.
Susundan din ito ng isang press briefings .
Ayon kay Ines muling bubuhayin ang Commission on Election (Comelec) checkpoints.
Gagawin ang ceremonial checkpoint sa may
Espana corner Blumentritt sa Agosto 27 ng alas 11 ng gabi.
Sa panahon ng election period,magpapatupad rin ng gun ban.














