Latest News

1K BAGONG COVID CASES, FIRST TIME NGAYONG 2022

SA kauna-unahang pagkakataon ngayong taong 2022 ay nakapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin #707, iniulat ng DOH na umaabot lamang sa 1,923 ang naitala nilang bagong kaso ng sakit sa bansa nitong Pebrero 19, 2022, Sabado.

Mas mababa ito kumpara sa 2,232 bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng DOH noong Biyernes, Pebrero 18, 2022.


Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na nakapagtala ang DOH ng mahigit 1,000 bagong kaso lamang ng sakit, simula nang muling dumanas ng COVID-19 surge ang bansa, noong huling ilang araw ng Disyembre 2021, dulot nang pamiminsala ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay umaabot na sa 3,650,748 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 1.7% o 62,533 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Karamihan pa rin naman sa mga aktibong kaso ay nakakaranas ng mild cases na nasa 57,104 habang nasa 851 kaso naman ang asymptomatic o walang nararanasang anumang sintomas ng virus.


Mayroon ring 2,854 na moderate cases, 1,420 na severe cases at 304 na critical cases.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 5,158 pasyente pa ng COVID-19 na gumaling na rin sa karamdaman.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroon nang kabuuang 3,532,608 COVID-19 recoveries na 96.8% ng total cases.

Nakapagtala rin naman ang Pilipinas ng 198 pasyente pa na binawian ng buhay dahil sa virus.


Sa kabuuan, umaabot na sa 55,607 ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.52% ng total cases.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa mga mamamayan na huwag maging kampante, magpabakuna na at patuloy na mag-ingat upang hindi mahawahan ng virus.

Tags:

You May Also Like

Most Read