Latest News

191, nagkasakit na dahil sa oil spill

Umabot na sa 191 ang bilang ng mga taong nagkasakit dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario na may 14 pa ang naitalang nagkasakit hanggang nitong Marso 20.

Sa 191 nagkasakit,101 ang gumaling habang ang iba ay minu-monitor pa.


Napag-alaman na nakaranas ang mga residente ng respiratory at dermal irritation at cramps at pagkahilo matapos ang oil spill.

“Wala naman po tayong nagkaroon ng malubhang sakit at naospital, except for one,” ani Vergeire.


Isa lang ang na-admit sa ospital dahil lumala ang asthma pero nakauwi na rin sa bahay.

Matatandaang may kargang 800,000 litro ng industrial fuel Ang MT Princess Empress nang lumubog noong Pebrero 28 sa karagatan ng Mindoro. (JAYMEL MANUEL)


Tags: Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario

You May Also Like

Most Read