Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Bunga ng pinaigting na kampanya ng Quezon PNP laban sa ibat-ibang ilegal na mga gawain, labin-siyam (19) na indibidwal ang naaresto.
Sa kampanya kontra mga Most Wanted Persons, dalwang suspek ang arestado kabilang dito ang Rank 1 Municipal MWP sa kasong Frustrated Murder na nahuli sa Brgy Mangagawa, Guinayangan, Quezon at MWP ng Gumaca, Quezon sa Violation ng RA 9165.
Sa kampanya kontra Ilegal na Sugal, siyam ang Arestado ng Quezon PNP kung saan anim dito ay dahil sa Tong-its at tatlo ay nahuli dahil sa Bookies. Samantala, isa ang arestado sa kampanya kontra illegal na droga sa pagpapatupad ng search warrant sa Brgy San Vicente, Gumaca Quezon.
Sa pagpapatupad ng iba pang special laws, anim ang Arestado ng Quezon PNP kung saan apat dito ay dahil sa violation ng IATF Guidelines sa Castillo Coliseum Cockpit Arena, Brgy Lalig, Tiaong, Quezon, isa dahil sa Violation of PD705 sa Brgy Kanlurang Malicboy, Pagbilao, Quezon at isa din dahil sa Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person sa Lucena City Police Station Lobby sa Brgy 5, Lucena City.
Sa mga naitalang crime incidents, isa din ang arestado sa kasong slight physical injury (mauling incident) sa Brgy Dalahican, Lucena City.
“Ang mga operasyon na ito na patuloy nating ginagawa ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa buong lalawigan. Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya konta kriminalidad upang mapayapang maidaos ang nalalapit na halalan. (VICTOR BALDEMOR)














