May 19 na “child brides” at tatlong “child grooms” ang natagpuan sa pinaglulunggaan ng kulto sa Sitio Kapihan sa Socorro, Surigao del Norte.
“We found out there were 19 children… who are in common law relationships. It is— we’re talking about teenagers from 18 down na common law wives sila nung mga adults doon sa Socorro,”ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“May mga lalaki rin, may tatlong lalaki na minors na with adults naman na babae,”dagdag pa ni Remulla.
Gayunman, inilarawan ni Remulla ang kasal na isang “common-law relationships” o “live-in relationships” dahil wala namang bisa ang kanilang kasal.
Ayon kay Remulla, walang bisa ang kasal dahil may mga sinusunod na requirements bago ikasal ang couple kinakailangan na may “age of consent” at kinakailangan na may sodomizing officers.
Sinabi ni Remulla na una siyang dumalo sa pulong mula sa kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources(DENR), Department of Social Welfare and Development(DSWS) at Department of Education(DepEd).
“We are adopting an integrated approach para ma-solve itong problema as a community. Kasi we cannot isolate any factors. We have to look at it as a community matter and with the aim of protecting the children who are the victims of certain practices na hindi dapat ginagawa sa mga bata,” giit ni Remulla.
Ayon kay Remulla, isa lamang siJey Rence Quilario o “Senior Agila,” lider ng lmSocorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI), sa maraming indibiduwal na dapat na makasuhan.
Binigyang-diin ni Remulla na posibleng may mga tao na kumukontrol kay Quilario.
“Kung hindi man, kasama sila sa support group, kasama sila influence group, kasama sila sa network of influence within that causes na kaya ganon ang patakbo ng lipunan kasi sila ‘yung gumagawa talaga ng mga patakaran, sila nag e-enforce,” pahayag ni Remulla.
Nabulgar ang naturang isyu matapos ihayag ni Senator Risa Hontiveros na mahigit 1,000 bata ang inaabusong seksuwal ng kulto sa bayan ng Socorro , Surigao del Norte.
Ibinulgar rin ni Remulla na may 10 reklamo ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa CARAGA region dahilan para magsagawa ng imbestigasyon ang Senado kung saan na contempt pa si Quilario at 3 iba pa dahil sa paulit-ulit na pagtanggi na may child marriages sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte sa kabila ng testimonya ng mga biktima.














