19 anyos siklista, patay

Patay ang isang 19-anyos na siklista matapos na masagi ng isang truck, kamakalawa ng hatinggabi sa southbound lane ng Mel Lopez Blvd. corner Gate 6, Port Area, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Allen Tactaquin Baraguir,ng Unit # 142 M. Meneses St., Baseco Community, Bagong Lupa, Port Area.


Nahaharap naman sa kasong homicide and damage to property si Marvin Alcubilla,driver ng truck na may plakang NDK- 3932.

Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas-11:45 ng hatinggabi sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng MDTEU,binabagtas ng biktima at suspek ang parehas na direksiyon nang pagsapit sa panulukan ng Gate 6, Port Area, Manila ay masagi ng suspek ang biktima at tuluyan itong.nasagasaan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.


Nasa kustodiya ng MDTEU ang suapek para sa kaukulang disposisyon. (Arsenio Tan)


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like