PATAY ang isang 19 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng suspek na kanyang ka “eye ball”, kahapon ng umaga sa may Mel Lopez, Boulevard, Tondo,Maynila.
Kinilala ni PLt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-homicide section,ang biktimang si Zyvel Geronimo,taga 1868 Tioco St.Tondo, Maynila na masawi dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.
Naganap umano ang insidente alas 5:10 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Ayon sa testigong si John,10 nakita umano niya ang biktima na nakatayo sa center island na parang may hinihintay maya-maya pa ay dumating ang suspek inilarawan na may taas 5’4-5’7,katamtaman ang pangangatawan,nakasuot ng kulay itim na sweatshirt na hoodie,naka short at naka facemask.
Paglapit sa biktima kaagad itong bumunot ng baril at saka sunod sunod na pinaputukan si Geronimo na nakatakbo pa ng ilang metro bago bumagsak sa kalsada.
Habang mabilia naman tumakas ang suspek patungo sa may Happy Land,Tondo.
Narekober naman sa biktima ang isang patalim at isang cellphone na ang screen picture ay di tumutugma sa kanyang larawan.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen. (Carl Angelo)