Latest News

19-anyos na babae, patay sa kalive-in na gustong hiwalayan

By: Baby Cuevas

Patay ang isang 19-anyos na babae matapos barilin ng tatlong ulit ng kanyang kinakasama na tumanggi sa gustong hiwalayan ng biktima, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.

Namatay noon din ang biktima, ng Permanent Housing,Balut Tondo, Maynila, dahil sa tama ng bala sa dibdib at likurang bahagi ng katawan, habang sumuko naman ang suspek na si Bart Cariño,37, negosyante, sa takot umano na gantihan ng pamilya ng biktima.

Sa imbestigasyon ni PSSg Rodolfo Acosta ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente alas- 6:20 ng gabi sa tinutuluyang bahay ng magka-live in.


Sa kuha ng CCTV, makikitang umalis si Cariño sakay ng kanyang motorsiklo ilang minuto bago natagpuan ang bangkay ng biktima.

Natagpuan ang bangkay ng biktima nang mag-report sa pulisya at Barangay ang isa pang kinakasama ng suspek na si Ria Solayao.


Samantala, sinabi ni Belson Dablo, kapatid ni Poquinto, unang nagsumbong sa kaniya ang biktima matapos nilang mag-away ni Cariño kung saan una na itong pinaputukan ng baril pero sa tiles ng comfort room ipinutok.

Sinabi rin ni Dablo na malimit na mag-away ang magkasintahan at ilang beses nang pinagbantaan ni Cariño ang biktima subalit nagkakabati rin ang dalawa.


Sa imbestigasyon, nabatid na nakikipaghiwalay na ang biktima sa suspek pero tumanggi ito, dahilan para barilin ang biktima.

Tumangging magbigay ng pahayag si Cariño na sinampahan ng kasong murder sa Manila Prosecutor’s Office.

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read