Latest News

188, PATAY SA COVID

NAKAPAGTALA ang Department of Health(DOH) ng 188 ng bagong nasawi sa COVID-19 sa kabila ng pagbaba ng mga kaso, kaya’t pumalo na sa 56,165 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa, hanggang alas- 4 ng hapon Pebrero 24.

Sa DOH case bulletin no.712 may naitala naman 1,745 bagong kaso kaya pumalo n sa 3,657,342, ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo ss COVID19 sa bansa.

Ito na ang ika anim na araw na nakapagtala ang DOH ng mga baging kaso na mahigit sa 1,000.


Umaabot namam sa 55,075 ang nalalabing aktibing kaso ng COVID19 kung saan 49,927 ang mild cases; 2,788 ang moderate cases; 1,428 ang severe cases; 637 ang asymptomatic at 299 ang critical cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 2,045 pasyente na gumaling na rin sa sakit kaya nasa 3,546,098 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit.

Tags:

You May Also Like

Most Read