Ang 187 POGO workers na ipina-deport kahapon.

187 POGO WORKERS, IPINA-DEPORT

By: Jerry S. Tan

IPINA-DEPORT na ang may 187 na POGO (Philippine Offshore Gaming) workers pabalik sa China ngayong Disyembre 5, 2024.

Ang mga nasabing POGO workers ay ipina-deport dakong alas-9 ng umaga sa NAIA Terminal 1 dahil sa problema sa dokumento at paglabag sa mga regulasyon ng Bureau of Immigration (BI). Sila ay nagmula sa mga ni-raid na POGO hub sa Pasay, Cebu, Tarlac at Pampanga.

Ayon sa pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, ang bilang ng mga dineport ay 122 workers mula sa 3D Analyzer sa Pasay City; 57 workers mula sa Tourist Garden Hotel sa Lapu-Lapu City, Cebu at 11 mula sa Zun Yuan Technology sa Bamban, Tarlac at SmartWeb Technology sa Pasay at Clark, Pampanga.


Inaasahan na pagdating sa China, ang mga nasabing POGO workers ay iimbestigahan ukol sa pagkakasangkot nila sa mga online scamming na aktibidad.

Sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na may 20,000 pa na mga POGO workers ang inaasahang aalis ng bansa.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tapusin na ang operasyon ng POGO sa bansa hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.


Tags: POGO (Philippine Offshore Gaming)

You May Also Like

Most Read