Umabot na sa 18 na ang kumpirmadong kaso ng Mpox (dating monkeypox) sa Pilipinas, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa.
Kinumpirma ni Herbosa na ito ay matapos na makapagtala pa sila ng tatlong bagong kaso ng sakit sa bansa.
Ayon kay Herbosa, ang mga bagong pasyente ay pawang lalaki at mula sa Calabarzon.
“As of August 18, labingwalo na po ang ating confirmed mpox cases.” aniya.
Sa nasabing bilang, limang pasyente na ang nakarekober habang ang 11 kaso pa ay kasalukuyang nagpapagaling sa kanilang mga tahanan.
Tiniyak naman ni Herbosa na kaagad nakapag-isolate ang mga pasyente at wala nang naihawa pang iba.
“Ang maganda rin, ang lahat ng 18 na na-pick up namin as of now, wala pang nahawang iba,” anang kalihim.
Dagdag pa niya, pawang mga bagong kaso ang kanilang naitatala at walang kaugnayan sa isa’t isa.