Latest News

18 MIYEMBRO NG PAIHI GANG, INARESTO; BARKO, 3 BANGKA NASABAT NG COAST GUARD

LIMANG katao na hinihinalang sangkot sa “Paihi Gang” o fuel pilferage syndicate ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard matapos na sabatin ang isang barko at tatlong bangka na nagnanakaw ng diesel sa dagat na sakop ng Navotas Fish Port.

Sa ulat na isinumite kay Coast Guard commandant Vice Admiral Artemio Abu, habang nagpapatrolya ang PCG ay napansin nila ang limang tripulante ng M/V MIROLA 1 na nagsasalin ng diesel sa tatlong bangka ang Palawan Pirates 2022, Palawan Pirates 2023, and Palawan Patrick na may sakay na 13 tripulante.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commodore Armand Balilo, agad na ininspeksyon ang mga sasakyang pandagat at nakumpirma ang pagsasagawa ng pagnanakaw ng diesel.

Tinatayang nasa 20,000 hanggang 30,000 litro ng diesel ang naisalin ng M/V MIROLA 1 sa tatlong bangka nang maaktuhan ng PCG.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng PCG na walang dokumento ang mga ito kung saan napag-alaman na sangkot din sa fuel pilferage ang tatlong bangka, hindi lamang sa katubigan ng Maynila maging sa Bataan at Batangas.

Ang mga ginagamit na sasakyang pandagat sa pagnanakaw ng diesel at ang mga tripulante ay nasa Coast Guard Sub-Station sa Navotas at inihahanda na kaso laban sa kanila. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read