17 Vietnamese, nasagip ng PCG

By: Baby Cuevas

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 17 Vietnamese nationals matapos na lumubog ang kanilang cargo ship sa karagatan ng Balabac, Palawan noong Martes.

Ayon sa PCG, nakatanggap ito ng ‘distress call’ mula sa Viet Hai Star, isang general cargo ship mula Ho Chi Minh City na may kargang 4,000 tons ng bigas papuntang Cagayan de Oro.

Nabatid na napuno ng tubig-dagat ang compartment ng cargo ship at tuluyang lumubog 800 yards mula Balabac Port.


Ipinasiya ng mga tripulante na i-abandona ang cargo ship, alas- 4:20 ng madaling araw noong Miyerkules.

Nailigtas naman lahat ang 17 tripulante ng mga rumespondeng tauhan ng PCG at police seacraft at dinala silang lahat sa Balabac Port.


Nag-negatibo naman sa ‘oil spill’ ang lumubog na cargo ship.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read