17 TAONG NAGTAGO, ARESTADO SA MURDER

By: Baby Cuevas

Isang 49-anyos na lalaking may 17 taon nang nagtatago sa batas dahil sa kasong pagpatay sa kanyang tiyuhin ang inaresto sa isinagawang operasyon kamakailan sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PMajor Philipp Ines, ang suspek na si Arnel Hipolito y Pagatpat, ng No. 819 Linampas Street Brgy 50 Zone 4 Tondo, Maynil, ay naaresto alas- 2:30 ng hapon sa bisa ng arrest warrant inisyu ni Presiding Judge Carmelita Manai ng Manila RTC, Branch 16 at may petsang Disyembre 3,2007.

Ayon sa record ng pulisya, ang suspek ay kinasuhan ng murder matapos na mapatay ang ang kanyang tiyuhin sa pamamagitan ng paghataw sa ulo nito gamit ang electric fan, sa gitna ng isang mainitang pagtatalo.


Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Napag-alaman na unang nagtago ang suspek sa Eastern Samar at ayon sa pulisya,isang asset ang nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng biktima.

 


Tags: Manila RTC

You May Also Like

Most Read