Latest News

17 Chinese nationals arestado ng NBI sa scam hub

By: Baby Cuevas

UMAABOT sa 17 Chinese nationals ang arestado ng National Bureau of Investigation -cybercrime division sa isinagawang operasyon sa isang gusali na hinihinalang scam hub noong Biyernes ng gabi, sa Pasay City.

Nag-ugat ang pag-aresto sa 17 dayuhan sa bisa ng isang search warrant ng korte, kung saan sangkot umano ang mga ito sa serye ng scamming activities.

Nabatid na aabot sa mahigit 20 workstations ang natagpuan sa limang palapag ng gusali.


Nakakita rin ng kuwarto na may mga nakasulat na “Couple Room” kung saan tumutuloy ang mga dayuhan na mayroong partner.

Meron itong kwarto, sariling CR at higaan. habang sa rooftop naman,naroon ang kanilang commissary at ibinababa na lamang ang mga pagkain sa bawat kwarto para hindi na raw lumabas- labas pa ang mga scammer.


Bukod sa mga computer, SIM cards at cellphone, narekober din ng NBI ang mga notebook kung saan nakalagay ang kanilang mga script, depende sa uri ng scam.

Ayon sa NBI, isasailalim pa sa forensic investigation ang mga computer na narekober para malaman kung gaano na sila katagal nag o-operate sa lugar.


Bukod sa mga naarestong dayuhan, mayroon ding mga nakitang Pilipino na nagtatrabaho sa gusali.

Depensa naman ng mga Filipino na wala silang alam sa ilegal na aktibidad na ginagawa sa loob ng gusali dahil mga computer lang ang nakikita niya sa tuwing magbababa sila ng pagkain sa kanila.

Sa ngayon ay pinipigil sa NBI ang.mga naarestong dayuhan para isailalim sa interogasyon ang mga ito.

Tags: National Bureau of Investigation

You May Also Like

Most Read