17-anyos na carnapper, timbog dahil sa GPS

By: Baby Cuevas

Nang dahil sa Global Positioning System (GPS), arestado ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 11 ang isang 17- anyos na carnapper.

Ito ay matapos ma-trace sa pamamagitan ng GPS ang tinangay nitong isang unit na Motoposh Pinoy Trike na six -seater, sa Binondo,Maynila


Nakadetine sa nabanggit na istasyon ng pulisya ang suspek na itinago ang tunay na pangalan dahil menor de edad, residente ng Baseco Compound,Port Area, Maynila.

Ayon kay Angellyn Buñales,31,may-ari ng tricycle at residente ng 2142-10M Adriatico Street, Malate, Maynila, alas- 8:30 ng gabi nang tangayin ng suspek ang tricycle habang nakaparada sa kahabaan ng Remedios Street sa Malate,Maynila.

Humingi ng tulong sa barangay ang biktima at sa pamamagitan ng nakakabit na GPS ay natunton nila ang tricycle , alas- 9:55 ng gabi sa harap ng “One Soler” Building sa may Felipe II Street corner Reigna Regente Street, Binondo, Maynila.


Nang makita ang motorsiklo na nakaparada ay kaagad na humingi ng tulong kina PSSg Oliver Alfonso at PCpl John Crhistian Concepcion, ng Recto-Soler Oupost at pinuntahan ang nakaparadang tricycle at naaresto ang suspek.

Kasalukuyan nang nahaharap sa kasong carnapping ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Station 11

You May Also Like