Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng may 169 kaso ng human rabies mula Enero hanggang Mayo ngayong 2024.
Ayon sa DOH, ito umano ay mataas ng 13% kumpara sa naitalang 150 kaso noong 2023 sa kaparehas na panahon.
Kasabay nito ay patuloy na pinaalalahanan ng DOH ang publiko na pabakunahan ang mga alaga nilang hayop.
“Rabies is a viral infection that can be transmitted to humans through animal bites or even scratches, most commonly by dogs and cats. Death caused by rabies is inevitable once infection begins, that’s why we urge all pet owners to be responsible and get their pets vaccinated against rabies. This not only protects the animals but also significantly reduces the risk of transmission to humans. With this, we can eradicate rabies towards our journey to a Bagong Pilipinas kung saan Bawat Buhay ay Mahalaga,” paalala ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa sa publiko.
Napag-alaman na hanggang nitong Mayo 11, 2024, ang Region XII (SOCCSKSARGEN) ang may pinakamataas na naitalang kaso na umabot sa 22.
Ito ay sinundan ng Regions IV-A (CALABARZON) at V (Bicol) na may tig 18 kaso.
Mula sa mga naitalang kaso, 92% ang kagat ng aso; 6% ang kagat ng pusa at 6% o tatlong kaso ang kagat ng ibang hayop.
Sa 169 kaso, napag-alaman na 160 ang nasawi o 94.67% ang patuloy na bine-beripika.
Ang rabies ay maaiwasan kung mabibigyan ng proteksiyon ang mga hayop, anang DOH.