Latest News

Niyakap si Mayor Isko Moreno (center) ng umiiyak na residente pagkatanggap ng papeles ng kanyang bagong condo unit sa Tondominium 1 sa Vitas. Kasama ni Moreno sa paggawad ng mga unit sina Vice Mayor Honey Lacuna, Congressman Yul Servo, Councilor Ernix Dionisio, , city engineer Armand Andres, urban settlements office head Atty. Ma. Cristina Fernandez, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac. (Jantzen Tan)

168 SQUATTERS SA MAYNILA, MAY CONDO NA — ISKO

MAY kabuuang 168 pamilya ang nabigyan ng sariling tahanan sa bagong Tondominium 1 condominium building sa Vitas, Tondo, na proyekto ni Manila Mayor Isko Moreno.

Nabatid na ang naturang lugar ay dating dumping ground o tapunan ng basura mula sa slaughterhouse ng lungsod bago ginawang pabahay ng alkalde.

Mismong si Moreno, na presidential candidate ng partidong Aksiyon Demokratiko sa nalalapit na May 9 elections, ang nanguna sa formal turnover ng mga housing units at ribbon-cutting, kasama si Vice Mayor at mayoral candidate Honey Lacuna, Congressman Yul Servo, Councilor Dionix Dionisio at urban settlements office head Atty. Ma. Cristina Fernandez.


Tags:

You May Also Like

Most Read