Latest News

165 PATAY, 496 SUGATAN SA SUNOG

By: Victor Baldemor Ruiz

UMAABOT sa 165 katao ang naitalang nasawi habang nasa 496 naman ang bilang ng mga nasugatan o nasaktan sanhi ng mga naganap na sunog sa loob ng unang ika-apat na bahagi ng taong 2024, ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection.

Batay sa hawak na record ng BFP, umabot na sa kabuuang 165 ang fire- related deaths, habang nasa 496 din ang nasaktan kung saan 46 sa kanila ang mga nagtamo ng injury.

Bukod sa lumobong bilang ng casualties sanhi ng mga naganap na fire incidents ay umakyat din sa 40 porsyento ang itinaas na bilang ng mga insidente ng sunog sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas nitong unang quarter ng taong 2024 na nagresulta naman sa mahigit P4.2 billion ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

Ayon sa BFP, nakapagtala ang kawanihan ng kabuuang 9,568 fire incidents sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Mayo 10 ng taong kasalukuyan.

Sa kanilang bilang, tumaas ng 40% ang naitalang kaso ng sunog kumpara sa nasa 6,815 bilang na mga fire incidents na naitala sa kaparehong panahon noong taong 2023.

Tags:

You May Also Like

Most Read