Aabot sa 16 tonelada ng medical and rescue operation equipment,ang kasamang bibitbitin ng may 31 miyembro ng Health Emergency Responder (HER) na magtutungo para tumulong sa mga biktima ng 7.8 magnitude lindol sa Turkey at Syria.
Ayon sa Department of Health (DOH), mga bihasa ang mga doktor,nurses at iba pang medical workers na ipadadala sa Turkey para tumulong sa operasyon at panggagamot sa mga biktima ng napakalakas na lindol. Sa pinakahuling ulat,aabot na umano sa may 5,000 ang biktima ng lindol.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, ang mga ipadadalang HER ay bahagi ng Philippine Inter-Agency Contingent .
“The devastating earthquake in Turkey and its neighboring countries calls for international cooperation, and as ministers of health, it is incumbent upon us that we help other countries in times of disasters and calamities,” ani Vergeire.
Nabatid kay Vergeire na maraming Filipino rin ang nagta-trabaho sa lugar, kaya dapat tayong tumulong kapag dumating ang ganitong.matinding kalamidad.
Ang 31- man team ay kinabibilangan ng mga doctors, nurses, medical technologists, at medical professionals mula sa Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Medical Center at Jose B. Lingad Memorial General Hospital.
Nabatid na ang DOH 31- man team ay sasamahan rin ng mga responders mula sa Armed Forces of the Philippines, Office of the Civil Defense, Metropolitan Manila Development Authority at Subic Bay Metropolitan Authority. (Arsenio Tan)