16 SAKAY NG LUMUBOG NA BANGKA NALIGTAS NG PCG

ISANG matagumpay na rescue operation ang isinagawa kahapon ng mga tauhan ng Philippine Coast guard kahapon ng madaling araw para mailigtas ang labing-anim na tao matapos lumubog ang sinasakyan nilang Bangka may dagat sa San Pascual, Masbate.

Sinasabing mahigit tatlong oras nagpalutang-lutang sa dagat ang mga sakay ng lumubog na banmgka bago sila narrating ng rescue team.


Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Commodore Armand Balilo ng Philippine Coast Guard Headquarters nagmula sa Camarines Sur ang nasabing sea vessel at papunta sana sa coastal barangay ng San Jose sa San Pascual nang maganap ang sakuna.

Ayon sa station commander ng Philippine Coast Guard sa San Pascual, sinalubong umano ng malalakas na hampas ng alon, hangin at ulan ang bangka kaya pinasok ito ng tubig, na naging dahilan ng paglubog.

Kasama nitong lumubog ang kargang mga sako ng bigas at animal feeds.


May napadaan umanong mangingisda sa kinaroroonan ng mga pasahero kaya unang nailigtas ang 3 bata at nakahingi ng tulong para sa iba pa.

Nang matangap ang distress call ay agad na naglayag ang mga tauhan ng coast guard at tinungo ang direksyon kinaroroonan ng mga biktima ng sakuna na nasa 3 nautical miles o higit 5 kilometro umano ang layo ng pinaglubugan mula sa pinakamalapit na baybayin ng Burias Island, kung nasaan ang San Pascual. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like