BIGO ang Communist Party of the Philippines (AFP) at ang kanilang armadong galamay na patampukin ang kanilang ika-55 taong anibersaryo nang malagasan sila ng 16 armadong kadre matapos na makasagupa nila ang militar.
Kasabay nito ay nagpaliwanag ang AFP na walang dahilan na igalang ang dalawang araw na unilateral ceasefire na idineklara ng CPP-NPA kasunod ng pagkakapaslang sa siyam pang rebeldeng NPA nitong mismong araw ng Pasko.
Kinumpirma ng AFP na napatay ang siyam na hinihinalang komunista nitong araw ng Pasko sa gitna ng dalawang araw na ceasefire o tigil putukan na idineklara ng CPP matapos na magsagawa ng military offensive ang kanilang 4th Infantry Division Lunes ng umaga laban sa suspected members ng NPA na armed wing ng CPP sa mga lugar sa mga barangay sa Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom) sa pamumuno ni LtGen. Greg T. Almerol, naglunsad sila ng combined operation sa pangunguna ng Joint Task Force (JTF) Diamond, laban sa Sub-Regional Committee 2 (SRC2), Headquarters Loader, at Regional Sentro De Gravidad (RSDG) Compaq na pawang nasa North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa bulubunduking bahagi ng Malaybalay City.
Nabatid na ginamitan ng 4th ID, 403rd Brigade sa pamumuno ni Brigadier General Michele B. Anayron Jr ng Close Air Support (CAS) mula sa Tactical Operations Group 10 (TOG10) ng Philippine Air Force (PAF) at artillery support mula sa 4th at 10th Field Artillery Battalions (FAB)para suportahan ang mga sundalo mula naman sa 8th Infantry Battalion na pinamumunuan nina Lt. Col. Anthony A Bacus; 1st Special Forces Battalion sa pangunguna ni Lt. Col. Roger Anthony Nuylan Jr, at e 88th Infantry Battalion under Lt. Col. Eric G Dema-ala na pawang nasa ilalim ng 403rd Infantry Brigade (403Bde), na siyang nagsasagawa ng tuloy tuloy na pursuit operations hanggang sa hinterlands ng Brgy. Can-ayan, Brgy. Kibalabag, Brgy. Kulaman, at Brgy. Mapulo.
Nakumpiska din ng mga awtoridad ang walong baril mula sa mga miyembro ng NPA na kinabibilangan ng apat na M16 Rifles, isang M16 Rifle attached with an M203 Grenade Launcher, isang 12-Gauge Shotgun, isang Caliber .45 Pistol, Hand Grenade, habang kinikilala na naman ang kanikilalang ng mga napatay.
Nabatid na bago ang nasabing sagupaan ay may dalawa din NPA ang napatay ng military at nasundan pa ng pitong NPA killed sa sagupaan sa may Barangay Malalay ng mga tauhan ng 59th Infantry “Protector” Battalion laban sa mga rebeldeng kumikilos sa nasasakupan ng Army 2nd ID.
Ayon kay AFP Spokesman Col Xerxes Trinidad, “the task given to the AFP is clear and we will comply with it. We will be watchful and our operations will continue unabated to keep our communities safe and end the communist armed conflict, once and for all. The defeat of this threat aligns with the collective wish of all Filipinos.”
Sa inilbas na pahayag ng AFP, sinabi nito na “the unilateral ceasefire declared by the CPP is an empty statement as they do not have the leadership and support of the masses. Their ammunition are depleted and their members, supporters included, are surrendering.”
Matatandaan na inanunsiyo ng CPP ang unilateral ceasefire simula kamakalawa, araw ng Pasko na magtatapos hanggang hatinggabi ng Dec. 26 bilang pagmarka sa ika-55 anibersaryo nila kahapon.
Sa panig ng militar, mananatiling vigilant ang mga ito at ipagpapatuloy pa rin aniya ang pagsasagawa ng peacekeeping operations sa kabila pa ng deklarasyon ng ceasefire ng CPP.