Latest News

16 NA KILO NG SHABU HULI NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

Tinatayang aabot sa Php 108 million ang halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region XIII (PDEA RO XIII) katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa isinagawang anti narcotics operation na nagresulta sa pagkaka dakip sa dalawang hinihinalang bigtime drug dealer sa Caraga Region.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, umaabot sa 16 na kilo ng methamphetamine hydrochloride, commonly known as shabu, ang nakuha sa dalawang drug suspect matapos ang ikinasang buy bust operation.


Ayon sa ulat bandang alas 6:40 ng umaga naisakatuparan ng PDEA RO13 ang inilatag na buy bust sting sa Purok 1, Barangay Sta. Irene, Bayugan City sa pangunguna ng PDEA RO XIII’s Agusan del Norte at Agusan del Sur Provincial Offices, katuwang ang Bayugan City Police Station at Agusan del Sur Police Provincial Office’s Provincial Intelligence Unit (ADSPPO – PIU) .

Nakuha ng mga awtoridad ang 16 self-sealing plastic bags ng methamphetamine, na isinilid sa mga packaging ng local courier services.

Of the confiscated items, two kilograms were buy-bust items, while 14 kilograms were seized as evidence of possession,” ayon sa ulat. Kabilang sa non drug items na sinamsam ng mga tauhan PDEA ang limang digital weighing scales, glass pipe, assorted packaging materials, at ang ginamit na buy-bust money, at mga communication devices na pinaniniwalaang ginagamit s akanilang iligal na transaksyon.


“This operation underscores the importance of multi-agency collaboration and community involvement in achieving impactful results in the campaign against illegal drugs. Our combined efforts reflect our shared commitment to protecting the community and ensuring a safer future for all,” pahayag ni PDEA RO XIII Regional Director Levi S. Ortiz.

Nasa kustodiya ng PDEA RO13 ang mga nahuling droga at iba pang ebidensya proper disposition. Habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of Republic Act No. 9165, also known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa dalawang hinihinalang high value target na kanilang nadakip


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency Region XIII (PDEA RO XIII)

You May Also Like