Latest News

16 PATAY, P5.9-B, WINASAK NI ‘EGAY’; PAPEL NG AFP, NAGING LUBHANG MAHALAGA

By: Victor Baldemor Ruiz

NASA 16 katao na ang kumpirmadong nasawi habang umakyat naman sa P5.9 billion ang halaga ng mga ari-ariang winasak ng bagyong ‘Egay’ partikular sa Northern Luzon, ayon sa National Disaster Risk reduction Management Council.

Ayon sa NDRRMC, nasa P4.4 billion ang naitalang danyos sa imprastraktura habang sa kanilang latest situation report ay umakyat naman sa P1.5 billion ang sinira ng bagyo.

Samantala, umakyat naman ang death toll mula sa pinagsanib na epekto ng TY Egay at southwest monsoon (habagat) sa 16, bukod sa 52 sugatan at 20 missing, habang mahigit isang milyong residente ang naapektuhan ng mga pag-ulan mula sa 13 rehiyon ng Pilipinas.


Lumilitaw din na lubhang mahalaga ang naging papel ng Armed Forces of the Philippines para hindi gaanong maramdaman ang pinsala ng bagyo.

Sinasabing naging madaling natutukan ng NDRRMC, partikular ng Armed Forces of the Philippines, ang epekto ng bagyo sa mamamayan dahil agad nilang natutukan ito dahil sa maagap nilang pag- preposition ng kanilang mga relief supplies at asset sa mga lalawigan na inaasahang masasapol ng bagyo bago pa ito mag- landfall.


Ayon kay AFP chief of staff General Romeo Brawner, bago pa dumating ang bagyo ay nakikipagtulungan na sila sa mga local government unit para mailikas ang mga tao na nasa mapanganib na lugar.

“Kayat yung casualties po natin are very limited, aside from this po yung ating phil air force at yung ating phil navy ay nagdala rin ng mga relief goods, nag preposition po tayo ng mga relief goods lalong na po sa batanes, so, kaya po nung dumating itong bagyo ay hindi talaga tayo masyadong naapektuhan , ani Gen. Brawner sa isang panayam.


Dahil naroon na ang mga relief goods, na-preposition na rin ang mga assets at na-evacuate na ang mga tao sa mga evacuation centers at nang dumating ang bagyo ay sumentro na ang mga frontliners na mga sundalo ng AFP sa rescue and retrieval operations.

Tags: National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

You May Also Like

Most Read