Sasampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang may 16 na indibidwal na napatunayan umanong sumusuporta sa pamamagitan ng pondo, sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon sa DOJ , inaalam ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga bank accounts ng Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Region (RMP-NMR) base na rin sa sinumpaang salaysay ng dalawang dating miyembro ng CPP-NPA.
Nabatid na ang bank accounts ay iniutos na i-frreeze ng Court of Appeals sa loob ng anim na buwan matapos malaman na ang naturang accounts ay may kaugnayan sa pagbibigay ng pondo sa terorismo o ginagamit para sa pakikipag-transaksyon ng pera sa mga terorismo.
Napag-alaman.na ang RMP-NMR ang nagpi-prepara.ng mga panukalang proyekto na ipiprisinta.sa mga dayuhan na nagpo-pondo.
Sa sandalimg.maaprubahan anh ipinanukalang.proyekto.,40% ay iwa-wired .bilang alokasyon sa proyekto at ang 60% ay ipapadala ds CPP-NPA bilang suporta sa pagbili ng mga armas at bala.














