16 kaso ng Omicron subvariants BA.5 at BA.2.12.1 na-detect pa

May na-detect pa ang Department of Health (DOH) na panibagong 16 na kaso ng mas nakakahawang kaso ng Omicron subvariants BA.5 at BA.2.12.1.

Ayon sa DOH, umabot na sa 11 ang na-detect na BA.5 habang 39 naman ang BA.2.12.1 sa bansa.

Nabatid na sa anim na panibagong kaso ng BA.5 , 2 ang na-detect sa Metro Manila at tig- isa ang nagmula sa Cagayan Valley, Western Visayas at Northern Mindanao, habang bini-beripika pa ang lokasyon ng isa pang pasyente.


Nalaman kay Vergeire na apat na pasyente ang kumpleto nang nabakunahan habang inaalam pa ang status ng iba.

May lima ring naka-rekober habang ang isa ay naka-home isolation.


Samantala , 10 pang kaso ng BA.2.12.1, isang sublineage ng dominanteng omicron BA.2 variant, ang na-detect kung saan apat na pasyente ay mula sa Metro Manila, dalawa sa Calabarzon, tig-1 mula sa Cagayan Valley, Bicol region, at Western Visayas at ang isa pa ay isang returning overseas Filipino.

Sinabi ni Vergeir na tatlo sa kanila ang fully -accinated at inaalam pa ang status ng mga nalalabing pasyente.


Dalawa rin sa kanila ang may mild symptoms, 3 ang asymptomatic, at inaalam pa ang aymptoms ng 5 pasyente.

Nakarekober na ang walong pasyente, isa naman ang aktibo pa at isa ang bineberipika.

“‘Di po directly related ang bahagyang pagtaas ng kaso sa mga bagong variant,” dagdag pa ni Vergeire.

Una nang napaulat na ang BA.5 ang naging sanhi ng surge ng COVID-19 sa South Africa, habang ang BA.2.12.1 naman ans dahilan ng mayorya ng infections sa New York City. (Philip Reyes)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read