Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District- Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) ang isang 16- anyos na binatilyo dahil sa kasong rape, kamakalawa ng gabi sa 303A Road1, Bago Bantay, Quezon City.
Ang suspek na si RJ (di tunay na pangalan) ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Gilda Loja-Pangilinan ng Quezon City Regional Trial Court,B ranch 229 na may petsang Enero 12,2023.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nabatid na ang suspek ay isang estudyante at nasa listahan ng ‘Most Wanted’ sa district level at siya ay naaresto alas-9:15 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Nakatakdang i-turnover ang suspek sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (JERRY S. TAN)














