Latest News

16-ANYOS ESTUDYANTE, KINURSUNADA NG MGA BAGETS, PATAY

HINDI na naisalba ang isang 16-anyos na binatilyo nang isailalim sa medical operation sa Mary Johnston Hospital matapos saksakin ng isa sa grupo ng kabataang nangursunada sa kanya habang naglalakad ito kasama ang kabigan, sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Raymond Romasanta, estudyante at residente ng No. 523 Pilapil St., Barangay 75, Tondo.

Sa ulat nina PEMS Carlos Garcia at Patrolman Errhol Aguila, dakong alas 7:35 ng gabi ng Pebrero 11 nang maganap ang insidente sa panulukan ng Franco at Favia Sts., sa Tondo.


Habang naglalakad sa lugar ang biktima kasama ang isang kaibigan ay hinarang at kinompronta umano ng dalawang suspek na menor de edad hanggang sa dumami pang kabataan ang nagtulong-tulong na nauwi sa pananaksak sa biktima.

Naisugod pa sa nasabing ospital ang biktima subalit idienklarang patay alas 9:45 ng gabi ng parehong araw.

Nabatid na nadakip na ang tatlo sa mga menor de edad na sangkot sa pangyayari. (TSJ)


Tags:

You May Also Like

Most Read