Latest News

150,000 OFWs sa Taiwan, apektado sa posibleng Taiwan-China war

MAY 150,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Taiwan ang posibleng maipit sa sandaling matuloy ang krisis sa pagitan ng Taiwan at China dahil sa pag- aagawan na rin ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) kaya dapat na itong paghandaan ng gobyerno.

Ibinulgar ni Moreno sa isang press conference sa Pilar,Bataan na nakatanggap siya ng impormasyon na ang Taiwan Ministry of Defense ay nagsisimula na magpamahagi ng “People’s Survival and Evacuation Manual” sa iba’t- ibang local government units bilang paghahanda sa krisis. katulad sa nangyayari sa Ukraine.

“In the case of Taiwan, nag-aalala ako sa mga kababayan nating Pilipino doon. Kasi pag nagkaroon ng insidente o crisis sa Taiwan Strait, maaapektuhan kaagad yung mga kababayan nating OFWs, mga Pilipino na 150,000 of them,” ayon kay Moreno bago magsimula ang motorcade papuntang Balanga City kung saan nag -courtesy visit siya kay Balanga Bishop Ruperto Cruz Santos.


Ayon kay Moreno, hanggang maaga ay dapat na makagawa na ng plano para sa posibleng evacuation at para sa kaligtasan ng 150,000 OFWs.

“Sabi nga, di bale ng Boy Scout. But still, we will pray na sana nga walang mangyaring untoward incident (sa Taiwan), but lahat naman tayo nagulat about what happened to Ukraine and Russia,” dagdag ni Moreno.


Ayon kay Moreno, dapat na gumawa ng evacuation plan gamit ang mga daungan.Hindi niya umano alam kung gagamitin ang eroplano pero dahil ilang daang kilometro lamang ang layo ng Taiwan sa Pilipinas kaya dapat na makapag handa rin tayo.

“Alam naman natin na pag giyera, ang unang tinitira ay airport at port. Paano ba natin ililikas yon (OFWs). Naiisip ba natin in the future? Kasi kaya ko naman yan iniisip para mapaghandaan lagi yung worst scenario. Kasi gusto ko, mabuti ng handa ang damdamin ninyo,” giit ni Moreno .


Nabatid na dahil sa ginagawangn pananakop ng Russia sa Ukraine ,nasa heightened alert ang Taiwan sa nerbiyos na maaring samantalahin ng China ang sitwasyon at gumawa ng hakbang na sakupin ang isla na tanging nakaharamg sa kanilang.makapangyarihan na kapitbahay sa pamamagitan ng pagsakop sa 180-kilometer habang Taiwan Strait.

“E yung 180 na natitirang Pilipino sa Ukraine e nag-aalala na ako. Paano natin ililigtas yung 150,000 na OFW in Taiwan? Yan, inaabatan ko yan. Una, kung paano ko sila iuuwing buhay, ligtas. Pagdating dito, papaano sila makaka-pagtrabaho. And there are so many things na kakaharapin natin.” ayon kay Moreno.

Sinabi ni Moreno na siya ay may moral obligation,kaya kinakailangan na ibahagi niya ang pananaw niya sa situwasyon. (Philip Reyes)

Tags: Filipino Workers (OFWs)

You May Also Like

Most Read