Latest News

15 kinasuhan sa DOJ sa nawawalang sabungero

UMABOT sa may 15 indibiduwal ang sinampahan ng kasonh paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code ,kidnapping at serious illegal dentention sa Department of Justice(DOJ),kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Kabilang sa kinasuhan ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) at mga kaanak ng nawawalang sabungero,sina Julie Patidongan y Aguilar, a.k.a Dondon; Mark Carlo Zabala y Evangelista; Virgilio Bayog y Pilar; Roberto Matillano Jr. y Guillema; Jonas Alingasa y Alegre; Johnry Consolacion y Recapor; Herolden Alonto; Gler Cudilla; Alias Sir Chief at 6 pang John Does,pawang miyembro ng security personnel ng Manila Arena.

Ang mga respondent ay isinangkot sa pagkawala ng may 6 na sabunhero noong Enero 13 na umano’y pumunta sa Manila Arena para lumahik sa 6 Cock Stag Derby.


Ang mga respondent ay nagsabwatan sa pagdukot sa mga sabungero na isinakay sa isang kulay gray na van.

Isa umano sa mga biktima ang nagawa pang makatawag sa kanyang ama at naipaalam na sila ay dinukot.

Iginiit ng naturang ama nag nawawalang sabungero sa security personnel ng Manila Arena na ilabas ang kanyang anak.

Ang mga kaanak ng nawawalang sabungero ay dumulog sa CIDG at PNP para hilingin namagsagawa ng imbestigasyon.


Nalaman na bubuo naman ang National Prosecution Service (NPS) ng panel of prosecutors na magsasagawa ng imbestigasyon.

Nabatid na umaabot na sa may 34 na sabungero ang nawawala simula pa noong nakalipas na taon.

Tags:

You May Also Like

Most Read