May 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 102 milyon ang nasamsam sa dalawang chinese national sa magkasanib na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Administration(PDEA) at Manila Police District-Police Station 9, kamakalawa ng gabi sa CCP Bay Terminal Parking Lot sa Malate,Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Bin Hu,chinese nationak ,42 at residente ng of Ecoland Phase 1, Matina, Davao City, Davao del Sur : at Jiankang Liang,40, consultant at taga 1329-A Filmore St., cor Gil Puyat Ave., Palanan, Makati City/ 91 Cunmin Grp6, Renxi Vil, Gonghua Town, Yuanjiang Yiyang, Hunan, China.
Alas 6:45 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation sa lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 15 kilos shabu,cellular phone at 2 tig isang P1,000 bills.
Sinampahan ng kasong paglabag sa II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek. (Jantzen Tan)