MAY 15 bahay ang natupok matapos na sumiklab ang isang sunog dahil sa naiwang kandila kahapon ng umaga sa Tindalo Street , Barangay 254 sa Tondo ,Maynila.
Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog ala- 11:46 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fire control’ alas-12:55 ng hapon.
Napag-alaman na nahirapan ang mga bumbero at fire volunteers na pasukin ang lugar dahil sa “dead end”, ito at ang kalsada ng Tindalo ay makitid lamang.
Napag-alaman na naiwanang nakasinding kandila sa loob ng bahay ang itinuturo na dahilan ng sunog.
Walang iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog habang patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.