Latest News

15-ANYOS, BINARIL, PATAY

PATAY ang isang 15 anyos binatilyo matapos na pa traydor na barilin ng isa sa tatlong suspek na kumompronta sa kanya, kamakalawa ng madaling araw sa Mel Lopez Boulevard,Tondo,Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PEMS Carlos Garcia, ng Manila Police District-homicide section, naisugod pa sa Tondo Medical Center ,ang biktimang si Reymart Manlangit,scavenger at taga Bldg 26 Unit 23 Aroma ,Tondo na nasawi dahil sa tama ng bala sa likod.

Bago ang pamamaril sa biktima ,nakita na kinompronta ito ng 3 suapek ,maya-maya pa ay nakitang tumalikod na ang biktima pero isa sa mga suspek ,ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.


Nang bumagsak ang biktima ay nagpulasan na ang mga suspek patakas, habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawa imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek para mapanagot sa krimen.

Tags:

You May Also Like

Most Read