15.3 milyon, may ‘topak’ dahil sa iligal na droga —WHO

Itinataya ng World.Health Organization (WHO) na may 15.3 milyong Pilipino ang nagka -“topak” dahil sa paggamit ng iligal na droga (substance use) at may isang milyon naman ang may “schizophrenia”.

Ang pagtataya ng WHO ay taliwas sa ulat ng DOH, na may 3.6 milyong Pilipino ang dumaranas ng iba’t -ibang porma ng mental illness noong 2020.


Kasabay nito, ibinulgar ng Department of Health (DOH) na mayroon lamang tatlong mental health professionals na nagse-serbisyo sa kada 100,000 may mental health disorders, ayon kay Health Undersecretary Beverly Ho, sa kanyang pagsasalita sa 2022 National Mental Health Summit held na ginanap sa Taguig City.

“We don’t have enough [mental health workers]. But we don’t want to rely on specialists. Within the health-care sector, we want primary care providers to be able to screen for mental health,” ayon pa kay Ho, na siya ring OIC ng DOH public health services team.

Ang frontline health workers hanggang barangay level ay dapat na nagkakaloob ng counselling o mag-refer sa kaukulang health facility.


Balak umano ng DOH na doblehin ang naturang bilang ng mga mental health professionals sa loob ng limang taon.

Ang naturang mental health professionals ay binubuo ng psychiatrists, psychologists at psychiatric nurses.


Inamin naman ni Ho na ang pagpapataas ng bilang ng mga mental health professionals ay hindi kabilang sa mga prayoridad ng DOH sa ngayon.

Kabilang ang depressive disorder, bipolar disorder, schizophrenia, alcohol at drug use disorders, epilepsy at suicide sa mga itinuturing na mental illness .


Gayunman, naniniwala ang DOH na mas marami pang kaso ng mental health illness ang hindi naire-report. (Jantzen Tan)

Tags: World Health Organization (WHO)

You May Also Like