May karagdagan pang 140 Omicron subvariant BA.5 ,ang na detect sa ilang rehiyon sa bansa sa pinakahuling sequencing ng Philippine Genome Center (PGC).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 99 indibiduwal ay mula sa Western Visayas, 21 ang mula sa National Capital Region (NCR), 7 mula sa Calabarzon, at 5 ay mula sa Ilocos Region.
Nabatid na isang kaso ng BA.5 advertisement,ang nagmula sa Central Luzon, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR) at 1 returning overseas Filipino (ROF) ,ang nag positibo sa Omucrin variant.
Ayon kay Vergeire mayroon rin 20 naitalang BA.2.12.1 at lahat sila ay naka rekober na, 5 indibiduwal ang nagmula sa National Capital Region(NCR) ,tig 4 sa Western Vuzayas at Calabarzon , 2 sa CAR,1 sa Ilocos Region at 4 na ROF ang nagpositibo sa Omicron subvariant BA.2.12.1.
Nalaman na may 7 kaso ng Ba.4 ang na detect sa bansa pero lahat sila ay nakarekober na kung saab 6 sa kanila ang taga Bicol Region at 1 sa NCR. (Philip Reyes)