Umabot sa may 140 batang lalaki ang nakinabang sa isinagawang 2nd Annual Community Medical Mission : OPERATION TULI ng Manila Police District (MPD) kahapon ng tanghali sa MPD Multi-Purpose Hall sa UN Avenue, Ermita, Maynila.
Ayon kay MPD Public Information Officer PMajor Philipp Ines, ang mga kabataang lalaki ay nagmula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod ng Maynila.
Sinimulan ang ‘Operation Tuli’ alas-12 ng tanghali na isinabay sa bakasyon sa klase ng mga kabataan.
Ayon kay Ines, layunin ng nabanggit na community outreach na mapalapit sa publiko ang mga pulis- Maynila sa ilalim ng pamumuno ni MPD Director PBGen. Andre Dizon.














