14 turista sa Palawan positibo sa COVID

Nagpositibo sa COVID-19 ang 16 katao, 14 dito ay mga turista, na bumisita sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Palawan.

Ang 16 ay sakay ng isang yate na bumiyahe sa Tubbataha noong Mayo 14. Matapos lang umano ang ilang araw ay isa sa mga turista ang nakaramdam ng mga sintomas.


“So all in all po meron tayong 14 na turista na nag-positive at dalawang local crew po ng malaking yate na po ito. So 16 lahat talaga sumatotal, out of 43 na katao na sumakay po ng yate,” wika ni Puerto Princesa Incident Management Team commander Dr. Dean Palanca.

Karaniwan umano sa mga nag-positibong turista ay mga Amerikano at European.

Sa ngayon, ipapadala ang mga sample ng mga COVID positive sa Philippine Genome Center upang malaman ang variant ng mga ito.


Nananatili ang mga nagpositibong indibidwal sa isang quarantine facility sa Puerto Princesa.

Magsasagawa rin ng contact tracing upang malaman ang iba pang nakasalamuha ng mga COVID patient.


Tags: Puerto Princesa Incident Management Team commander Dr. Dean Palanca

You May Also Like

Most Read