Nagwakas ang may 14 na taong pagtatago ng isang rapist matapos matunton ng pinagsanib na tauhan ng Manila Police District (MPD) at Calapan Police kamakalawa ng gabi sa Brgy Camilmil, Calapan City, Oriental,Mindoro.
Nasa kustodiya ng MPD – Criminal Investigation Section ang suspek na si Gilbert Abu y Velasco,49 ,driver, tubong Camilmil,Calapan City, Oriental Mindoro at residente ng Sitio 1,San Andres,Bauan,Batangas.
Nadakma ni PMMS Donald Panaligan alas-6 ng gabi habang naglalakad sa naturang lugar.
Nag-ugat ang pag aresto kay Abe sa bisa ng standing arrest warrant na inisyu ni Judge Amelia Tria-Infante ,ng Manila Regional Trial Court Branch 9 para sa 3 kasong rape na isinampa ng kanyang biktima.
Naganap ang panggagahasa ng suspek sa biktima noong Enero 2009 at nang sampahan ng demanda ay nagtago na ang suspek.
Nagsagawa muna ng surveillance ang mga awtoridad at nang makumpirma na nagtatago ang suspek sa bahay ng kanyang kapatid ay binantayan na ito at nang lumabas ng bahay ay saka dinakma.














