14 na national roads, di madaanan dahil sa lindol

MAY 14 na national roads sa Northern Luzon ang hindi madaanan kahapon dahil sa mga pagguho na idinulot ng magnitude 7 na lindol, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Bukod sa pagguho ng lupa, ilan sa mga dahilan rin ng pagpapasara ng mga kalsada ay ang pagbagsak ng mga malalaking tipak ng bato, malalaking bitak, at pangkaligtasan na dahilan sa integridad ng kalsada.

Matatagpuan ang mga isinaradong mga kalsada at tulay sa lalawigan ng Benguet, Abra, Kalinga, Ifugao, Baguio City, at Mt. Province.


May limitadong access rin sa ilan pang mga kalsada sa Baguio City, Benguet, at Ilocos Sur.

Sinabi ng DPWH na nagpakalat na sila ng kanilang “quick response teams” para magsagawa ng inspeksyon sa mga national roads at mga tulay at iba pang imprastruktura at mag-uulat ng istatus ng mga ito para sa mabilisang pagkukumpuni.

“Our teams of engineers are conducting assessment to evaluate the structural integrity and damage caused by the earthquake as we simultaneously clear debris along national roads and bridges,” ayon kay Public Works Secretary Manuel Bonoan. (Jantzen Tan)

 


Tags: Department of Public Works and Highways (DPWH)

You May Also Like

Most Read