Latest News

14-anyos, nakuryente, patay

By: Baby Cuevas

Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos na makuryente sa isang nakalagay na aircondition sa canopy ng isang bahay, kahapon ng umaga sa Capulong Street,. Brgy.104 Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District -Police Station 1 ang biktima na si Jasper Castro alyas Joshua, ng Imelda corner Capulong Streets, Brgy. 108 Tondo, Maynila.

Naibaba ang biktima ng mga nagdaang tauhan ng Manila Bureau of Fire Protection na rumesponde sa sunog sa Sitio Damayan,Tondo matapos silang parahin ng ilang residente sa lugar para magpatulong na maibaba ang biktima.

Walang suot na pang-itaas ang binatilyo na naka jersey shorts lamang.

Ang biktima ay nakuryente sa nakakabit na aircondition, alas- 10:20 ng umaga sa canopy ng bahay na pag-aari ni Joey Lepiten,44 na matatagpuan sa 26 C-2 Capulong St. Brgy.104 Tondo.

Inaalam ng mga pulis kung bakit napunta ang biktima sa bahay na mistulang abandonado.

Tags:

You May Also Like

Most Read