14-ANYOS NA BINATILYO, ARESTADO SA PANANAKSAK

By: Baby Cuevas

Isang 14-anyos na binatilyo na diumano ay isa sa dalawang suspek sa kaso ng pananaksak ang arestado sa isinagawang follow-up operation kahapon ng madaling araw sa loob ng Manila North Cemetery (MNC).

Nasa kustodiya ngayon ng Women’s and Children Police Desk (WCPD) ang binatilyong si Ian, di tunay na pangalan, para sa disposisyon, habang patuloy na tinutugis ang kasama nitong suspek na nakilalang si John David y Ignacio, alyas John-Jhon, 24, ng 2nd St., North Cemetery, Brgy 372, Sta. Cruz, Maynila at diumano ay siyang sumaksak sa biktimang si Paulo Abanag y Martin, 24, ng 1431 J. Marzan St., Brgy 482 Zone 48, Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mayroon umanong alitan ang biktima at ang suspek kaya rumesbak ito sa lugar ng biktima sakay ng isang tricycle na minamaneho ng naarestong binatilyo.


Nang makita ang biktima sa harap ng kanilang bahay ay kaagad na inundayan ng saksak at nang tamaan ay mabilis na tumakas.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktima na ngayon ay nasa maayos nang kondisyon.

Tags: Women's and Children Police Desk (WCPD)

You May Also Like

Most Read