1,399 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa mula Abril 25 hanggang Mayo 1

MAY naitala ang Department of Health (DOH) ng 1,399 bagong kaso ng COVID-19 mula Abril 25 hanggang Mayo 1, 2022.

Ayon sa weekly COVID-19 updates ng DOH, nabatid din na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 200, o mas mababa ng 5% kung ikukumpara sa mga kaso na naitala noong Abril 18 hanggang 24.


Nabatid na ang mga bagong kaso naman ay pawang asymptomatic at mild cases lamang at walang may malubha at kritikal na karamdaman.

Kaugnay nito, may naitalang 215 na pumanaw, kabilang ang 40 na naganap noong Abril 18 hanggang May 1.

“Noong ika-1 ng Mayo 2022, mayroong 723 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19,” ayon ss DOH.


Sinabi pa nh DOH sa 2,830 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 ay nasa 456 (16.1%) ang okupado habang 16.3% naman ng 24,521 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.

Samantala, inianunsiyo ng DOH na mahigit na rin sa 67 milyong indibidwal o 75.45% ng target na populasyon, ang bakunado na laban sa COVID-19.


Nasa 13.2 milyong indibidwal naman anila ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.

“Sa kabilang banda, 6.6 milyong senior citizens o 76.48% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series,” dagdag ng DOH.


Panel interview sa Presidentiable at vice presidentiable,tuloy

Idaraos pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang ‘panel interview’ kahit na tumanggi na ang mayorya ng mga nangungunang kandidato sa pagka-pangulo at ikalawang pangulo na makilahok.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia , may ‘commitment’ na sila sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) na siyang sumagot ng ‘panel interview’ mula sa dating format na ‘townhall debates’.



“It’s not only for one or two or three candidates, it’s for the entire candidates. Even if only one candidate will agree and proceed with the panel interview, we will proceed,” ayon kay Garcia.

Kabilang sa mga presidential candidates na nagpahayag ng intensyon ng paglahok sa panel interview ay sina dating Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, negosyanteng si Faisal Mangondato, cardiologist na si Dr. Jose Montemayor Jr.a t Senator Manny Pacquiao.

Habang sa vice presidential interviews, lalahok sina Senate President Vicente Sotto III, Rizalito David, Manny Lopez, Carlos Serapio at Professor Walden Bello.

Nabatid na ilalabas sa telebisyon ang panel interviews mula Mayo 3 hanggang Mayo 6.

Layunin ng panel interviews na mas makilala ng mga botante ang mga kandidato, malaman ang kanilang mga plataporma at sagot sa mga pangunahing isyu sa bansa. (Anthony Quindoy)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read