133k litrong iligal na petrolyo, nasabat

MAY kabuuang 133,000 litrong iligal na petrolyo na ipinuslit sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs sa unang anim na buwan ng taon.

Sa ulat ng BOC at ng Bureau of Internal Revenue (BIr), nasa kabuuang 111,157.80 litro ng diesel, 3,311 litro ng kerosene, at 18,839 litro ng gasoline ang nasabat.


Nahuli rin nila ang dalawang unit ng tank trucks na may lamang walang markang fuel na may kabuuang halagang 14.4 milyon.

Nasa 16 na retail stations at apat na pribadong kumpanya kung saan natagpuan ang mga walang markang petrolyo ang ipinasara at inirekomendang samapahan ng kasong kriminal ng BOC.

Samantala, umabot sa P118 bilyon na ang nakolekta ng BOC mula sa duties at buwis ng 9 na bilyong petrolyo na pumasok sa bansa at kanilang namarkahan sa unang anim na buwan ngayong 2022.


Mula naman Setyembre 2019 hanggang Hunyo 2022, nasa kabuuang 43.65 bilyong litro ng gasolina, diesel at kerosene na pumasok sa bansa at kanilang namarkahan. Sa naturang panahon, nasa kabuuang P432.3 bilyon ng duties at taxes ang nakolekta dito ng BOC.

Sa mga namarkahang petrolyo, nasa 60.59% nito ang diesel, kasunod ang 38.9% ng gasolina at 0.51% ng kerosene.


Ang mga markers ang nagsisilbing pantukoy sa field testing na isinasagawa upang matukoy ang presensya ng ipinagbabawal na petrolyo sa merkado, paliwanag ng BOC. (Jaymel Manuel)


Tags: BOC at ng Bureau of Internal Revenue (BIr)

You May Also Like