13 Pinoy pasok na sa Paris Olympics

NASA 13 atletang Pinoy ang nakakuha ng puwesto sa Paris Olympics habang mas marami ang umaasa na maka-qualify sa Team Philippines, na nagdiriwang ng ika-100 taong paglahok nito sa palaro.
Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC), nag-formalize na ng negosasyon para sa isang buwang training camp sa isang world-class na pasilidad sa Les Arenes de Metz sa France bago ang Paris Olympics na gaganapin mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.
“We have, as of now, qualified 13 athletes for Paris,” pahayag ni POC president Abraham
“Bambol” Tolentino sa unang “POC Journey to Olympic” briefing sa the Milky Way Restaurant,  Makati City.
Ang mga nakakuha ng direktang kwalipikasyon sa Paris ay sina pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena; mga boksingero na sina Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; weightlifters Vanessa Sarno, Erleen Ann Ando at John Febuar Ceniza; at mga gymnast na sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan.
Sinabi ni Tolentino na ang weightlifter na si Rosegie Ramos ay technically qualified sa women’s 49 kgs class bagaman siya ay No. 11 sa world rankings pagkatapos ng Phuket World Cup, ang huling Olympic qualifying event para sa weightlifting.
“Isang Belgian (Niña Sterckx) ang nagra-rank sa No. 7 sa klase ni Rosegie, ngunit kulang siya sa mandatoryong anim na qualifier para sa Paris, at ayon sa international federation ng weightlifting, technically qualified si Rosegie,” ani Tolentino, ang cycling federation president.
Sinabi ng POC chief na ang mga swimmer na sina Kyla Sanchez at Jarrod Hatch ay kwalipikado sa ilalim ng universality rule.
Ang 13th qualifier ay sa women’s athletics din sa pamamagitan ng universality rule.
Inaasahan din na magiging kwalipikado sina Robyn Brown (athletics), Kurt Barbosa (taekwondo), Cris Nievarez (rowing), Joanie Delgaco (rowing), magkapatid na Keisei at Shugen Nakano (judo), Yuta Watanabe (judo), Jericho Francisco (skateboarding), Patrick Coo (BMX cycling), Shagne Yaoyao (MTB cycling), Emma Malabuyo (gymnastics), Bianca Pagdanganan (golf) at Carlo Paalam (boxing), Criz Laurente (boxing), Hergie Bacyadan (boxing) at Rogen Ladon (boxing).
Ayon pa kay Tolentino, ang Cignal ay opisyal na sponsor ng Les Arenas Metz training camp, Peak bilang opisyal na damit para sa kampo at pre-Olympic preparations, kasama ang Smart at Standard Insurance bilang major backers.
Aniya, ang kampo ng pagsasanay sa Les Arenes de Metz ang una sa kasaysayan ng POC.
“Ito ang unang pagkakataon na ang ating mga Olympians ay isawsaw ang kanilang sarili sa host city ng Olympics sa loob ng isang buwan,” pahayag niya.
Ang mga pambansang asosasyon sa palakasan na ang mga atleta ay kuwalipikado pa rin para sa Paris ay dumalo rin sa briefing.
Kasama rin ni Tolentino sa briefing sina Cavite Governor Jonvic Remulla, na magsisilbing Team Philippines chef de mission, at POC secretary-general Atty. Wharton Chan.
Tags: Paris Olympics

You May Also Like