Latest News

13 checkpoints, ikinalat sa Maynila

May 13 checkpoints ang ikinalat ng Manila Police District(MPD) sa iba’t ibang panig ng Maynila bilang bahagi ng seguridad sa inagurasyon ngayon araw (Hunyo 30) ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa may National Museum sa Maynila.

Nabatid na sa MPD-Public Information Office, kabilang sa mga lugar na lalagyan ng checkpoints ang: Brgy 101 sa Mel Lopez Blvd; H. Lopez Blvd. sa Tondo; Juan Luna St. sa Tondo; Blumentritt malapit sa kanto ng Dimasalang St. sa Sta. Cruz; España Blvd. cor Blumentritt Extn.; at R.M. Blvd. corner Altura Street sa Sampaloc.

Gayundin sa New Panaderos St., city limit sa harap ng MC Donalds; Rizal Avenue corner R. Papa; Lubiran Bridge, Lubiran St., Bacood; Pinaglaban bridge; Roxas Blvd., malapit sa kanto ng P. Ocampo St.; Taft Ave., Corner P. Ocampo; at 2nd street Brgy. 649 Baseco Compound, Port Area.


Bukod pa ang pagsasara ng mga lansangan at pagtatatag ng mga traffic re-routing scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na ang maging ang mga miyembro ng media na magko-kober ng inagurasyon ay naging mahigpit rin dahil sa kinailangan pa ng akreditasyon at negatibong RT-PCR test bago makapasok sa lugar. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District(MPD)

You May Also Like

Most Read