Patay ang isang 13-anyos na dalagita matapos na malunod habang lumalangoy sa breakwater, kamakalawa ng hapon sa Happyland Tondo, Maynila.
Naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktimang si Kyshia Nicole Malbas, estudyante at taga- BS 37 C2 Capulong Street, Brgy. 108 Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila Police District-Police Station 1 ,alas- 4:40 ng hapon nang maisipan ng biktima at kanyang kapatid na si Kian Rain11 na maligo sa breakwater.
Lumalangoy umano ang biktima nang makita ni Kian Rain na nalulunod ito,kaya kaagad itong umuwi sa kanilang bahay at humingi ng tulong sa kanyang tiyuhin na si John Jay Malbas,36. Kaagad naman nitong sinagip ang dalagita at mabilis na isinugod sa pagamutan subalit tuluyan ding binawian ng buhay.














