12,426 bagong kaso ng COVID-19, naitala mula Mayo 15-21 — DOH

By: Arsenio Tan

Iniulat ng Department of Health (DOH) na 12,426 bagong kaso ng COVID 19 ang naitala mula Mayo 15 hanggang 21 sa bansa.

Ayon sa national COVID-19 case bulletin na inilabas ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 1,775. Ito ay mas mataas ng 0.1% kumpara sa mga kaso noong Mayo 8 hanggang 14.


Nabatid na sa mga bagong kaso, 87 ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Habang may naitalang 13 pasyente na pumanaw kung saan isa ang naganap noong Mayo 8 hanggang 21.

Ayon sa DOH, noong Mayo 21, 2023, mayroong 486 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.


Nabatid na mula sa 2,134 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 389 o 18.2% ang okupado habang 4,211 o 23.0% ng 18,321 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Samantala, patuloy na pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like