1,231 bagong kaso ng COVID-19 mula Setyembre 25 – Oktubre 1

By: Philip Reyes

May 1,231 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 1.

Ayon sa inisyu na National COVID-19 case bulletin ng DOH, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw sa nasabing linggo ay nasa 176.


Ito ay mas mataas ng 6% kumpara sa mga kaso noong Setyembre 18 hanggang 24.

Nabatid na sa mga bagong kaso, walo sa mga ito ang may malubha at nasa kritikal na karamdaman.

Wala naman anilang naitalang pumanaw dahil sa sakit noong Setyembre 18 hanggang Oktubre 1.


Kaugnay nito, noong Oktubre 1, 2023 ay mayroong 189 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Nabatid sa DOH, na sa 1,133 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19 ay 147 o 13.0% ang okupado habang sa 1,464 o 16.3% ng 9,008 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamot.


Samantala,pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like